Mga Epekto ng Social Media sa Kabataan
Sa ating henerasyon ngayon, hindi na bago sa ating kaisipan ang salitang "SOCIAL MEDIA". Marami na sa atin ngayon ang tumatangkilik sa bagay na ito, mapa bata paman o matanda. Lahat ng pangyayari sa isang lugar ay maaari na nating malaman sa pamamagitan lamang ng paggamit ng mga social networking sites tulad na lamang ng Google, Facebook, at marami pang iba.
Hindi natin maitatanggi na halos lahat na ng mga kabataan ngayon ay gumagamit na ng social media. Ginagamit nila ito sa maraming bagay; sa skwela, pampalipas oras, at iba pa. Kung ating iisipin, ang social media ay may maraming dulot (mabuti at masama) sa isang indibidwal.
Mga Mabuting Dulot ng Social Media:
1.) Nakapagbibigay ito ng impormasyon at nakakatulong ito sa pagunawa ng mga bagay o salita na hindi natin maintindihan.
2.) Natutulungan din tayo nito sa mga gawain sa eskwela at sa pamamagitan ng internet ay nadadagdagan ang ating kaalaman tungkol sa iba't ibang mga bagay.
3.) Nagagamit din ang social media sa pakikipag-komunikasyon ng mga estudyante sa isa't isa. Mahalaga and komunikasyon sa mga estudyante at sa pamamagitan ng social media, nabibigyan nito ang mga estudyante ng opurtunidad upang mag usap at magpalitan ng mga ideya kahit malayo man sila sa isa't isa.
Mga Masamang Dulot ng Social Media:
1.) Maaari nitong gawing tamad ang mga estudyante sapagkat pwede na lamang nilang hanapin sa internet ang mga sagot na kanilang kailangan sa mga ibinigay na mga gawain.
2.) Nakapagbibigay din ito ng maling impormasyon sapagkat hindi lahat ng mga impormasyon na makikita sa internet ay tama o makatotohanan.
3.)Maaari din nito maapektuhan ang "privacy" ng mga estudyante sa paggamit ng internet at social media at maari din silang mabiktima ng iba't ibang mga cyber crimes at cyber bullying sa isang maling pindot.
4.) Magkaroon ng "addiction" dito ang mga estudyante at maubos ang kanilang oras na dapat ay ginagamit sa mas mahahalagang bagay.
Huwag nating kalimutan na kung di dahil sa social media, marami ang natulungan, marami ang napasaya, at marami ang kumita. Lagi nating tatandaan na nasa ating mga kamay kung papanong gamitin nang maayos ang mga bagay-bagay, di lamang sa social media, pati na rin sa lahat ng mga bagay na makikita natin sa paligid.
Mahusay
ReplyDeletemarami akong nakuhang impormasyon base sa blog na ito. Ito rin ay lubos na malinaw at may husay sa paggawa.
ReplyDeleteMalinaw at maraming makukuhang impormasyon base sa blog na ito.
ReplyDeleteMaraming salamat sa impormasyon.
ReplyDelete